Management at staff ng isang coffee shop sa Angono, kinabiliban dahil sa pagmamalasakit sa isang aso

Tunay ngang nakaka-good vibes ang kwento ng isang asong nangailangan ng tulong at kinalinga ng management at staff ng isang coffee shop.

Nakatanggap ng isang malaking shoutout ang Angono branch ng But First Coffee sa kanilang kabutihan at pagmamalasakit sa isang stray dog na pumasok sa kanilang shop na tila humihingi ng tulong.

Ani OP, maaga pa lang daw ng pumasok sa coffee shop ang aso na umiiyak. Naisip tuloy ng mga staff na baka nawawala ang aso kaya’t hinayaan lang nila muna itong tumambay sa kanilang café.

Kalaunan ay may nag try daw kumuha sa aso pero natunugan ng management at staff na tila hindi ito kilala ni doggie kaya’t hindi sila pumayag na kunin ito.

Anila, mabait at malambing daw ang aso kaya naman ang staff sa kabilang tindahan ay nag prisintang iuwi at alagaan muna ang aso. Anila, kung walang mag-claim kay doggie ay willing itong ampunin ng mabait na staff.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagmalasakit,” ani OP sa pagtatapos ng nakaka-good vibes niyang kuwento.