Na-dogshow ang isang estudyante ng mga netizens matapos itong ma-prank ng sarili niyang ina na nanorpresa sa kanya ng bagong “bag” para sa school.
Pangako pa ng ina ni Kim Burlhy na kakasya sa kanyang bagong bag ang mga gamit nito sa college, kasama pati ang kanyang pang makeup.
Ngunit pag-uwi ay isa palang netbag ang binili ng kanyang mama, yung tipong nabibili sa palengke para sa mga bagong biling isda at karne.
@kim_burghlyoninsta
Halos mangiyak-ngiyak ang umasang estudyante sa prank ng ina pero mas lalo pang nakakaiyak ang comments ng mga netizen:
“at least po safe yung gamit mo kasi Hindi makakagat ng lamok”
“sana all see through yung bag”
“middle child to”
“Beh anong school supplies mo, sibuyas at bawang?”
“nak, mamalengke kana rin”