Pinoy pride ang peg ni Paolo Ballesteros sa kanyang Philippine flag-inspired gown na idinisenyo ni Cholo Ayuyao sa pagbabalik ng “Drag Race PH: Slaysian Royale.”
Ibinandera ng “Drag Race” host ang kanyang gown na nagsusumigaw na Philippine version ng show ang umeere, kaakibat ng mga bagong queens na magpapatagisan ng galing at diskarte sa panibagong season.
Kasama niya rin sa judge’s panel ang Season 3 winner na si Maxie Dreison at Jimbo the Drag Clown na naging fan favorites na rin ng mga manonood.
Marami namang fans ng show ang humanga sa artistry at pagka-fierce ni Paolo kapag nakapag-transform na siya sa kanyang drag persona.
“Pahiram ako nito ma, pang-Taylor”
“Mama Pao is so back 🔥 can’t wait to see her looks this season”
“MOTHER ✨”