Nakaisip ng kakaibang paraan ang Department of Foreign Affairs (DFA) para mahuli ang mga nagpapanggap Pinoy na mga foreigners para makakuha ng legit na Philippine passport sa ahensya.
“Who is the Superstar’s love team partner?” “Name one of the Megastar’s songs.” “Who is the Star for All Seasons?” ilan lamang yan sa mga tanong ng DFA sa mga aplikante para masiguro na hindi sila mga impostor.
“What are Andrew E.’s songs? What’s your favorite Ariel Rivera song? Anything that we can relate to and we answer without even thinking,” ayon kay Foreign Assistant Secretary Adelio Angelito Cruz sa ulat ng Inquirer.net.
Paraan daw ito ng DFA na mahuli rin ang mga foreign nationals na illegal na nag-aapply para magkaroon ng pasaporte ng Pilipinas. Karamihan sa mga nahuhuli ay mga Chinese.
Ani Cruz, magagaling din umano magsalita ng Filipino ang mga illegal na kumukuha ng pasaporte at ang iba ay nakakaisip pa ng ibang mga gimik tulad na lamang ng pagpapanggap na bingi kaya dapat dumaan anya sila sa mas matinding pagsusuri.
“They have a spurious birth certificate. They can memorize everything there — the name of father, name of mother. So we think outside the box,” ani Cruz.