Malambing na aspin, ayaw bumitaw ng yakap sa furdad habang nagmamaneho ito

Sobrang close ng aspin na si Chuchay sa kanyang bossing at nase-sepanx ito kapag papasok sa trabaho ang kanyang furdad.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Umantig sa puso ng mga animal lovers ang eksena ng isang clingy na rescue dog na hindi matanggal ang kanyang pagkakayakap sa kayang furdad habang ito ay nagmamaneho ng truck.

Sa post ni Salobre Ana Lyn, ipinaliwanag niya na habang nagbabyahe ang kanyang amo ay hindi pumiglas sa pagkakayakap ang malambing na aso lalo na at ipinagbawal na siya sa site ng trabaho ng kanyang itinuturing na furdad.

Hindi naman masisi ng mga netizen na naka-follow kung bakit napaka-clingy ni Chuchay sa kanyang furdad dahil maging sa kanilang bahay ay sila lagi ang magkasama at magkatabi.

Katunayan ay palagi talaga siyang sinasama ng kanyang furdad sa sasakyan.

At pinapainom pa ng tubig na may yelo para hindi mainitan.

Marami namang netizen ang nag-alok ng tulong para mapabakunahan at mailakad ang papeles ni Chuchay para pumayag ang mga amo ng kanyang furdad na muli itong maisama sa work site. Ang cute nga naman talagang ng clingy baby na ito!