Mala-Maldives na lugar, matatagpuan sa Mindanao!

Coastal forested area sa Misamis Occidental gagawing mala-Maldives.

Dream destination kung ituring ng karamihan ang Maldives. Isang paraiso din ito para sa mga nakapunta na dahil sa white-sand beaches, nakamamanghang tanawin, at kilala rin ito bilang tahanan ng magagandang coral reef kaya ideal ito sa snorkeling at scuba diving.

Kaya may isang ongoing multi-billion tourism infrastructure project sa Asenso Misamis Occidental Resort and Aquamarine Park (AMORAP) sa bayan ng Sinacaban na balak maging “Maldives of Mindanao” para makahikayat ng mga turista sa lugar at makatulong sa ekonomiya ng probinsya.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, binubuo ng 49 hectares na coastal forested area ang AMORAP.

Magkakaroon ito ng iba’t ibang amenities, gaya ng four-story hotels, inland villas, playground, jacuzzi-equipped villas, clubhouse, wildlife exhibits, fish feeding areas, mangrove villas, spa village, seaside restaurant, coastal villas na may swimming pools, golf clubhouse, convention center, camping sites, nature trails, bird sanctuary, aquaculture zones, vegetable plantations, at marami pang iba.

Binisita kamakailan ni Gov. Henry Oaminal at Ophelia Gorre, head ng Provincial Engineering Office ang lugar upang makita ang progreso ng proyekto.

Parter in ang proyektong ito ng “Asenso” vision ng probinsiya para gawin itong “premier tourism destination and an investment hub.”