Dahil patok na patok nga sa mga Pilipino ang blockbuster hit na “Inside Out 2” dahil relate ang lahat sa mga emosyon na bumida sa pelikula, isang local bank naman ang gumamit sa trending na pelikula upang ilarawan ang bawat emosyon ng mga empleyado tuwing araw ng sweldo.
Sa simulam siyempre may joy dahil masaya ang madlang pipol na sa wakas ay may pera na. Pero ilang minuto lang, panigurong eeksena na si sadness dahil sa dami ng bayarin ay mabilis ding nag ba-bye ang perang inabangan.
Siyempre, bitter ang pakiramdam ng walang pera kaya’t meron ding nagagalit kung bakit kakarampot lang ang sahod. Meron ding nagkakaron ng anxiety kung aabot ba ang sweldo sa lahat ng obligasyon. Fear naman ang nararamdaman ng mga sisingilin sa pagkakautang habang iba’t ibang emosyon pa ang maglalaro sa isip ng bawat taong hindi talaga sapat ang sahod.
Ikaw, relate ka ba?