Makulit na pusa, nakapag-biyahe mula Utah hanggang Los Angeles nang sumuot sa isang Amazon box

Matapos ang isang linggo ay natagpuan ang isang makulit na pusa na aksidenteng nai-ship papunta sa Amazon warehouse ng aksidente itong pumasok sa box.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang makulit na pusa ang aksidenteng nai-ship sa isang Amazon warehouse ng hindi sinasadya nang maglaro ito at pumasok sa box na ipapadala ng kanyang amo.

Ayon kay Carrie Clark, nawala ang kanyang alaga mula sa kanilang bahay sa Utah noong April 10 at tarantang-taranta na ang kanilang pamilya sa paghahanap ng pusang si Galena magmula ng hindi ito mahanap.

Matapos ang isang linggo at maraming oras ng paghahanap sa kanilang buong lugar, nakatanggap sila ng tawag mula sa Los Angeles na nagsasabing natagpuan nga ang makult nilang alaga sa loob ng box na naglalaman ng steel toed boots sa loob ng Amazon warehouse.

“I ran to tell my husband that Galena was found and we broke down upon realizing that she must have jumped into an oversized box that we shipped out the previous Wednesday,” ani Carrie.

Natandaan nilang ibinalik nila ang try before you buy na steel toed work boots noong nagdaang linggo kaya’t ito ay isinoli nila sa Amazon warehouse.

Mabuti na lamang at na-rescue si Galena ng isang Amazon employee na si Brandy Hunter at hindi naman ito nasaktan sa biyahe. Yun nga lang medyo gutom at uhaw ito ng ito ay matagpuan.

“I took her home that night and went to the vet the next day to have her checked for a microchip, and the rest is history,” sabi ng mabait na empleyado ng Amazon.

Nasundo din naman agad si Galena ng kanyang pamilya na dumayo pang Los Angeles para kunin siya.