Para sa mga curious kung ano ang itsura ng baby nila Maja Salvador at asawang si Rambo Nuñez, pinagbigyan ng premyadong aktres ang hiling ng mga fans na ipasilip ang kanilang baby girl na si Maria.
Iyon nga lang, nilinaw ni Maja na hindi magiging regular ang posting nilang mag-asawa sa kanilang “biggest blessing” dahil gusto nilang protektahan ang privacy ng kanilang unica hija.
Sa kanyang post, sinabi ni Maja na hangga’t kaya ay ayaw nilang masyadong i-expose ang kanilang anak para na rin sa kanyang kaligtasan ngunit ibinahagi lang nila ang kanyang larawan bilang pagpapasalamat sa pagdating niya sa kanilang buhay.
Marami naman ang sumang-ayon sa desisyon ni Maja at nagpasalamat na kahit paano ay nakita nila ang super gandang anak ng kanilang idol.
“There she is.. our Maria😍❤️”
“Love you, beautiful Maria!!!😍😍😍”
“Awwww! Maria got super Mom and Dad ❤️”