Mais ka talaga, Jah! A’TINs, aliw sa mga korning hirit ni SB19 Justin tungkol sa kanyang Independence Day ganap

Aliw ang mga fans sa mga witty na hirit ng bunsong SB19 na si Jah de Dios sa kanyang mga picture.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Marahil dahil katatapos lang ng Independence Day ay ang daming naisip ng makulit na bunso ng SB19 na si Justin de Dios patungkol sa kanyang mga ganap. Isa na dito ay ang makulit niyang hirit ng mag-post si Kuya Kim Atienza ng group pic nila pero siya lang ang nakapikit.

Laugh trip ang mga A’TIN sa hirit ng pinakabatang MAHALIMA patungkol sa larawan.

Lalong lalo pa ng dinagdagan pa ito ng nakakatawang patungkol sa lyrics ng kanilang kinanta sa Mega Ball event na “O bayan ko kailan ka mamumulat” dahil nga nakapikit siya.

May makulit na komento din si Jah sa post ng Mega Magazine kung saan nakaliyad siya habang ibinibida ang kanyang unique barong.

“hahahhaha kulit mo jaaaah!”

“sana all parang Matrix lang hahaha”

“lakas mo talaga Jah”

“Mais ka talaga jah”