Mahiyaing kamay? Preschooler na may legendary palusot para di magsulat, nagpa-LOL sa internet

Nagbigay aliw online ang isang preschooler na may kakaibang palusot para makaiwas sa kanyang writing assignment.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok sa mga netizens ang video ng preschooler na si Eli dahil sa kakaibang palusot nito para makaiwas sa pagsusulat.

Sa Facebook post ni Bryan Banag, makikita ang bata na nagpa-practice magsulat. Pero sa kalagitnaan ng paggawa ng assignment, umiyak ito at sinabing biglang nahiya ang kanyang kamay na hawakan ang lapis.

“Pasukan na, biglang nahiya yung kamay,” kwento ni Bryan sa kanyang post.


Aliw na aliw tuloy ang mga netizens sa comment section:

“May future ang batang to. Ang bilis ng utak magreason out.”

“Ka cute cute hehehe grabing kamay yan bhe ahh nahihiya”

“May kamay Pala nahihiya”

“kaya ayaw gumalaw pencil kc nhihiya ang kamay ni Pogi..”