Kahit na triggered ang mga Pinoy sa isyu ng korapsyon, may mga ilang content creators na lang ang ginamit ang pagkakataon para maging malikhain.
Sa TikTok, nakagawa ng kanta ang content creator na si DOSMILLION na pinamagatang “Mahiya naman kayo” patungkol sa hinagpis ng mga mamamayan sa mga sabwatan ng mga pulitiko at kontraktor na nagkakamal ng bilyon-bilyong piso sa kabila ng patuloy na pagkalunod ng mga siyudad at probinsya sa baha.
@dos.million MAHIYA NAMAN KAYO / AY GRABE
Sa unang version ng kanyang post ay simpleng ulan at baha lamang ang kanyang backdrop ngunit nang mapick up ito ng mga iba pang content creators ay nilevel up na ang paggamit ng AI para maging parang tunay na music video ito.
Madrama ang naging atake ng @AyGrabe TikTok page:
@aygrabe101 Song title :mahiya naman kayo full song : ay grabe music on yutube
Habang ang account ni @Connorhuit ay gumamit na ng animation para isabuhay ang tema ng kanta.
@connorluhit #Mixed Videos Edited Song:MAHIYA NAMAN KAYO #tiktok #fyp #highlight ♬ original sound – DOSMILLION
May ilan ding gumamit ng aktwal na footage ng rumaragasang pagbaha at ang epekto nito sa mga nasalanta.
@taraki996 🫂🌧️ louder!!! #everyone #fyp #flood #floodwarning #creditstotheownerofthisvideo ♬ original sound – DOSMILLION
Marami pang ibang content creators na gumamit ng kanta para gumawa ng sariling bersyon ng MV na nagpapatunay lang ng diskarteng Pinoy sa gitna ng krisis.
https://www.tiktok.com/@meejamd/photo/7544649356897553672