Naghakot ng awards ang P-pop kings na SB19 sa kauna-unahang Filipino Music Awards matapos nilang mag-uwi ng anim na tropeo.
Winner bilang Pop Song of the Year and “DUNGKA!” habang People’s Choice: Artist din ang Mahalima. People’s Choice: Song din ang “DUNGKA!” na nagsilbing anthem sa mga bashers at mema ng mga Pinoy sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Nanalo din na Tour of the Year ang “Simula at Wakas” World Tour habang Concert of the Year naman ang “Simula at Wakas” World Tour Kickoff.
Siyempre, Artist of the Year din ang SB19 sa pagtatapos ng gabing pagbibigay pugay sa mga mga Filipino artists at OPM.