MAHALIMA, FTW! SB19, nominado sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards!

Bigatin ang nominasyon na natanggap ng SB19 dahil pasok sila sa Favorite Asian Act category ng Kids’ Choice Awards.

Magbunyi, mga A’TIN! Ang inyong MAHALIMA, nakasungkit ng nominasyon para sa Nickelodeon Kids Choice Awards 2024.

Pasok ang SB19 sa mga nominado para sa Favorite Asian Act at makakalaban din nila ang ilang mga bigating artists tulad ng ENHYPEN, Iman Troye, NiziU, at Tiara Andini.

Gaganapin ang Kids Choice Awards 2024 sa July 13 ngunit mapapanood naman ito sa July 17 ng 3 pm. May encore telecasts din ito sa July 18 at July 20 sa Nickelodeon channel. Sa streaming naman, mapapanood ito sa Paramount+ kaya abangers na ang mga A’TIN para sa pagbubukas ng botohan.

“Yes been Voting since this morning Ofiffi”

“Congrats in advance.. Done Voting”

“guys this is big in America so we need to try our best vote…..”

“LETS VOTE IN A’TIN”