Magkapatid na street performers sa Bohol, pinahanga ang netizens sa kanilang cover ng ‘Dilaw’

Magkapatid na singer sa Bohol nagpa-wow sa netizens nang kantahin nila ang “Dilaw.”

Walang makakapigil sa hilig ng mga Pilipino sa musika, at patunay diyan ang magkapatid na sina Johndelle at Michael ng Bohol, na literal na napapahinto ang mga tao sa kalye at sa mga sikat na beach ng probinsya dahil sa kanilang talento sa pagkanta.

Sa isang viral video na inupload ni netizen JP Mortega sa YouTube, makikitang walang effort na tinunaw ang puso ng mga nakikinig habang kinakanta ang “Dilaw” ni Maki gamit lang ang isang gitara at ang kanilang ginintuang boses habang nasa isang terminal ng jeep.

“Late na ko sa work pero okay lang basta sila ang dahilan kung bakit ako nalate,” sabi ni JP.

Hindi lang si JP ang napahanga nina Johndelle at Michael kundi pati mga netizens na nakapanood ng kanilang performance.

“These two boys have a Golden voice! Very talented! Proud pinoy! Mapapasayaw ka talaga sa awit Mahusay!”

“Nice talent voice mga idol galing niyong kumanta eh KMJS na po Yan Silang dalawa para mapansin po sila sa buong mundo po Pinoy talented GOD Bless po”

“Ang galing ang ganda ng combination ng boses ng mag kuya na to. Ung isa mtaas ung isa mbaba.. perfect”

“Ang galing galing nyo! God Bless sainyong dalawa.. Go lang ng go hanggat maabot ang dreams nyo sa buhay..”

“Galing….nakakawala stress sila lalo na pagtrafic ang susuongin mo…..Godbless us”

“Galing nyo dalawa,,tuloy tuloy Ing balang araw maging ganap kayo singer”

“Galing ng ginagawa nila kesa sa manglimos yayaman tong dalawang batang to dasal ko yan.”