Viral ngayon sa TikTok ang isang sweet moment ng magkaibigang may Down Syndrome matapos sorpresahin ng lalaki ang kanyang kaibigan ng bulaklak.
Sa video na shinare ni Lovely Yasser Valladores, makikitang nakaluhod ang binatilyo habang inaabot ang regaling bulaklak sa dalagita na agad namang kinilig at napangiti bago sila nagyakap.
Hindi lang sila ang kinilig sa eksena dahil kitang-kita rin ang genuine na tuwa ng mga taong nakapaligid sa kanila. Napa-thumbs up pa ang lalaki sa mga nanonood matapos ang kanyang simpleng sorpresa.
“Sabi ko na magtinda nalang ako talagaaaa!!!” ani uploader sa kanyang caption.
@lovelyyasservalladores Sabi ko na magtinda nalang ako talagaaaa!!!
Umabot sa two million views at hearts ang video, kung saan marami ang na-touch sa pagiging wholesome ng eksena:
“see? ang ganda tignan pag walang judgemental sa paligid. Ang genuine ng mga reactions nila huhu 🥺🥺”
“Ang genuine tignan ng ngiti ng mga tao sa paligid nila”
“kinilig nlng si kuya sa harapan eh”
“as person with down syndrome nakakatuwang Makita itong dalawang to 😊. Sila ang patunay na Hindi mahirap mahalin ang kagaya namin ♥️I pray na ingatan at ibless ng Lord ang pureness nitong dalawang itooo 😊♥”
“na para bang isang fairytale, auhhh ang cute🌷🦋”