Maghanap ka ng kausap mo! Epektibong paraan para gumaan ang pakiramdam

Malaking tulong ang pagse-share ng saloobin para hindi ma-overwhelm sa hamon ng buhay, ani isang motivational speaker.

Madalas pabirong sinasabi ng mga tao na ayaw makipag usap sayo ay “Maghanap ka ng kausap mo!” Pero ito talaga ang maipapayo ng motivational speaker na si Kirby Llaban para sa mga taong nais nang bumigay sa bigat ng kanilang dinadala.

Ayon kay Kirby, kadalasan ang dahilan kung bakit maraming tao ang nao-overwhlem sa pagsubok ng kanilang buhay ay dahil sinasarili lang nila ang kanilang mga suliranin.

“You have to communicate what you feel inside. You have to communicate the burdens that you are carrying para meron kang kahat. Hindi naman dahil bibigyan mo ng problema ang isang tao. It’s not that, but actually you are honoring your friendship because you’re communicating what you’re carrying inside,” aniya.

Dagdag pa niya, makakatulong din ang pag-seshare ng saloobin upang maprocess natin ang ating sariling damdamin. Ito rin ay paraan para marecognize at ma-acknowledge ang mga sakit na pinagdadaanan ng bawat isa.

“Now, if you’re able to communicate that. Maghanap ka ng kaibigang makikinig. Tabihan mo lang. Sabihin mo, kaibigan, mag seshare lang ako sayo wag ka munang mag advice, magshare lang ako para mainitindihan ko ang sarili ko,” aniya.

Kadalasan matapos itong gawin ay malaking gaan ang kalooban ang mararansan, paliwanag pa ni Kirby dahil nababawasan ang bigat ng dinadala sa loob ng mahabang panahon.

Ipinayo din ni Kirby na i-explore ang iba’t ibang uri ng komunikasyon – sa kaibigan, kaanak o kahit sa propesyunal.

( Courtesy: facebook.com/kirbyllaban)