Magaya nga! Groom, sinorpresa ang kanyang mga katropa ng miniature bobbleheads sa araw ng kanyang kasal

Na-inspire ang marami sa ideya ng isang groom na nagpagawa ng mga miniatures para sa kanyang mga pinakamatatalik na kaibigan sa araw ng kanyang kasal.

Karaniwan sa mga ikinakasal ang maghanda ng maliliit na tokens para sa kanilang bridesmaids at groomsmen bilang pasasalamat sa kanilang role sa espesyal na araw ng mag-asawa. Pero ang isang groom na ito, ginalingan ang pasorpresa sa kanyang mga tropa dahil nagpagawa siya ng tig-isang miniatures ng mga ito.

Sa isang video, ipinakita kung paano sinorpresa ng groom ang kanyang mga groomsmen nang patalikurin niya ang mga ito. Akala tuloy nila ay kung anong pakulo ang meron ngunit laking gulat nila dahil nang pinaharap na sila ng kanilang kaibigan ay tumambad sa kanila ang miniature versions ng kanilang mga sarili na pina-customize pa ng groom.

Bet na bet naman ito ng mga nag-comment dahil ipinakita ng groom na talagang pinag-isipan niya ang ibibigay niya sa kaniyang matatalik na kaibigan. Ipinakita niya din na talagang nag-effort siya upang tumbasan ang pagsuporta ng mga ito sa kanyang special moment.

“I love this idea! It’s a one of a kind gift for his groomsmen who will never forget this moment EVER!”

“Wow! That took a lot of foresight and planning to get those made. What a great idea. Something to actually keep forever. They look like great friends”

“Such a cool idea!! Something that they will for sure keep forever”