Ang pagbabonding ng isang mag-lola, nauwi sa sayawan, asaran, at muntikang pagkakahampas sa ulo.
Sa viral na TikTok video ni Ron Bulado Jr. (@ronaldjaybuladojr), tila tinuturuan niya ang kanyang lola kung paano mag-shoot ng bola sa larong basketball ngunit sa kalagitnaan ng pagtuturo at sa pagbagsak ng music ay nagpabebe ito ng pasayaw.
Napatingin ang kanyang lola sa dance step nito at biglang naghampas na naiwasan naman ni Bulado. Napangiti na lang ang dalawa sa kanilang kakulitan.
@ronaldjaybuladojr Naiwasan ko din lola 🤣 #ron ♬ original sound – Ser JM
Kinaaliwan naman sila ng mga netizens:
“10/10 ang galing umilag sa hampas haha”
“Hahaha. Nakailag na”
“nag loading muna si nanay🤣”
“Well trained sa batok ni lola 😂😂”
“hahahaha sayang la nakaiwas po😄”