Marahil dahil viral na usap-usapan ngayon sa social media ang Php299 na engagement ring, isang netizen naman ang nagbahagi ng kanyang karanasan kung saan dinaan niya sa tiyaga at pakiusap ang isang jewelry shop owner upang makuha niya ang isang singsing na nagkakahalaga ng Php 28,000 para sa nobyang si Tricia.
Ayon sa OP na si Marc Castrodes, Php14,000 lang ang kanyang naipon noong 2003 para bumili ng magandang singsing para sa kanyang girlfriend.
Ngunit nang makita niya ang isang singsing na Php 28,000, alam niyang ito ang kanyang hinahanap at nababagay para sa babaeng minamahal.
Sagad na daw ang presyong Php 28k para sa singsing na ang original na presyo ay Php35k kaya’t maghapong pumuwesto si Marc sa harap ng shop upang magmakaawa sa may-ari na ipagkatiwala ang singsing sa kanya at babayaran niya ang kalahati kapag nagkapera siya.
Kahit naging mahirap ang kanyang ginawa, na hindi man lang siya kumain ng tanghalian at hapunan dahil sa paghihintay, sa dulo ay nakumbinsi nyia din ang may-ari na magtiwala sa kanya.
“Getting that ring that day is very much like how we live life today. With a lot of determination, sincerity, good intentions, and hope. I still love Tricia with the same love and more after 20 years. And I would still sit on a stool for her the whole day to prove it,” aniya.
Maraming netizens naman ang humanga sa kanyang ginawa:
“That’s the man! Kpg gusto madami paraan!”
“You didn’t have to, but you did. That says a LOT about your character.”
“Salute, however at the end of the day we have our own stories and realities in life, the situation itself is always categorical.”
“Let’s respect each other’s situations and realities.”
“Wala sa money, naa jud sa effort! Make sense.”