Madadapa pero hindi susuko: Runner inulan ng suporta kahit kulelat sa marathon

55-year-old na last place runner sa Manchester Marathon, umani ng paghanga.

Hindi inakala ng isang 55-taong-gulang na ginang na ang kanyang last place finish sa Manchester Marathon ay magiging inspirasyon para sa marami, lalo na at muntik na niyang hindi matapos ang karera.

Ayon sa Briton na si Lynda Elmore, nadapa siya siyam na milya pa ang layo sa finish line at nagtamo siya ng kaunting injury. Imbes na sumuko, mas minabuti niya na ituloy ang pagtakbo kaysa sa tumigil na lamang at magpahinga.

Inabot man ng pitong oras at 18 minuto, matiyaga siyang hinintay ng kanyang pamilya at kaanak sa finish line, maging ang mga marathon fans nagbigay ng suporta sa lahat ng kalahok.

Pang 24 na marathon na ito na nasalihan at nakumpleto ni Lynda kaya naman sobrang bilib sa kanya ang milyong netizens na napanood ang kanyang pagtatapos.

(Courtesy: Facebook.com/BBCOne)

“Well done to her. She did better than all the people who didn’t do it at all.”

“She started she finished and that’s all that’s matters…it’s not about winning”

“She ran a marathon and finished no matter the time . Much more than most of us will ever manage.
Many congratulations”

“For me, The point of this is last or not …SHE DID IT !!! Well done lovely lady, just goes to show you don’t have to be first to be one of the best. Love your effort love that you kept going . You never gave up.”