Nasobrahan naman yata ang impluwensiya ng ating Miss Philippines na si Michelle Dee sa kanyang pageant bestie na si Miss Thailand Anntonia Porsild dahil sa pinakahuling hosting assignment nito ay panay ang shoutout nito sa Pilipinas.
Sa katunayan, nag trending si Anntonia dahil sa kanyang pagsigaw ng #MabuhayPhilippines tuwing babati sa mga manunuod sa awarding night ng Miss Global 2023, na ginanap sa Cambodia.
walang "Sawadeeka Thailand" pero may "Mabuhay Philippines" 😍#PorDee #PorDeeUniversepic.twitter.com/jVs3rpelsD
— Maeexxx (@sangabsana) January 18, 2024
anntonia saying "mabuhay philippines" naiiyak ako putangina niyo#PorDee pic.twitter.com/GRfIVuXQgx
— m🍃 (@rbrtscoven) January 18, 2024
ayan tuloy HAHAHAHHAHAHAAHHAAH sana nag enjoy ka bilang host teh kasi baka last mo na yan they might not invite ur ass sa kaka mabuhay philippines mo 😭pic.twitter.com/OuZS0IxKAm
— rie (@glnppp) January 18, 2024
In fairness naman kay Anntonia, inamin naman nyang na pressure talaga siya sa kanyang hosting gig kaya naging go-to greeting niya ang “Mabuhay, Philippines!” Wala namang angal ang mga Pinoy sa crowd dahil proud naman sila sa mga kaganapan.
Napansin din ng mga netizens ang bracelet na suot ni Porsild sa isang aktibidad ng Miss Global na binigay noon ni Dee. Nangangahulugan daw ito ng malalim na pagkakaibigan ng dalawa kahit sila ay malayo sa isat-isa. Hiling din nila na bumisita si Porsild sa Pilipinas.