Mabuhay ang Team Bahay! ‘GUTS World Tour’ concert ni Olivia Rodrigo mapapanood sa Netflix

Nabuhayan ng loob ang mga Pinoy fans na hindi nakakuha ng ticket para sa “GUTS World Tour" concert ni Olivia Rodrigo sa Manila dahil sa pasabog ng Netflix.

Madaming Pilipino ang excited sa nalalapit na “GUTS World Tour” concert ng Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo sa darating na Sabado, October 5.

Libo-libong fans ang inaasahang dadagsa sa Philippine Arena sa Bulacan upang mapanood at maging bahagi ng kauna-unahang concert ni Olivia sa Pilipinas.

Pero para sa mga Team Bahay, may chance silang mapanood ang concert kahit hindi pinalad na makabili ng tickets na binenta ni Olivia na tig Php1,500 lamang.

Sa post sa X ng Netflix Philippines, inanunsyo nito ang pagpapalabas ng buong concert ni Olivia sa October 29 sa streaming platform.

Nabuhayan naman ng loob ang mga netizens sa anunsyo ng Netflix dahil mas madami na ang makakapanood sa unang concert ni Olivia sa Pilipinas.