Kapag talaga nasa 30s na ang edad, palaging busy ang peg ng mga tao. Kaya naman isang content creator ang gumawa ng nakakatawang skit sa mga usapang relasyon na nasa ganitong edad.
Ayon sa skit, dahil sa sobrang ka busy-han ng mga 30+ years old sa kakatrabaho, parang ilang minuto lang ang kaya nilang ilaan sa pakikipag-date.
Pati ang ligawan ang usapang kasal ay kailangan din naka-fast forward para ma-swak sa schedule dahil sobra ngang busy sa career at iba pang obligasyon.
Bumenta naman ang ligawan ng mga titos at titas sa maraming netizen.
“Business transaction yan? Hahaha”
“Hahaha. Ambilis ng ligawan stage ah. Ganun ka busy? Minutes lang.”
“HAHAHAHAHAHAHA NAKAKAYAMOT KA NA TAWANG TAWA KO”
“Ay, yung kilig ganun nlng. busy ang mga tito at tita.”
