Talagang naging parang mag-ina ang naging turingan nina Diamond Star Maricel Soriano at actor-singer na si Juan Karlos Labajo nang magkasama sila sa Star Cinema film na “Meet, Greet and Bye.”
Naging saksi rito ang maraming fans nang ma-witness nila mismo kung paano alagaan ni JK ang kanyang Mama Maria nang atakihin ito ng back pain at nahirapang makaakyat ng hagdan.
Walang kaabog-abog na binuhat ni JK si Maria na parang baby at dahan-dahan itong ibinaba nang patag na ang lalakaran.
Ikinatuwa naman ng mga fans ang pagiging sweet at caring ni JK kahit na kilala ito sa pagiging makulit.
“Makulit pero with a pure heart and soul.”
“so sweet jk kaya idol na idol kita”
“JK is not only a good singer but also a very good actor. Yes he’s so kind and caring to every one not only to those people around him but also to his fans and children who love him.”