Maawaing holdaper! Magnanakaw isinauli ang pera ng biktima nang malamang bankrupt na ito

Natawa na lang ang isang holdaper at isinauli ang perang nakuha sa kanyang biktima nang makitang said na ang laman ng ATM nito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Muling natawa ang mga netizens sa isang lumang viral video kung saan isang holdaper sa China ang nagsauli ng pera at ATM sa kanyang biktima matapos na makitang wala nang laman ang account nito.

Ayon sa report ng CGTN, ang nakakatakot na holdapan ay nauwi sa katatawanan nang makita sa CCTV kung paanong tinutukan ng isang holdaper ang isang babae matapos nitong mag-withdraw sa ATM.

Madali namang isinuko ng babae ang perang nakuha ngunit inutusan pa ito ng holdaper na mag-check ng account sa pag aakalang may makukuha pa itong karagdagang pera.

Sa kasamaang palad ay nakita nito na ubos na ang pera ng babae kaya’t dahil sa awa, natawa na lang ang holdaper at ibinalik ang pera ng babae.