Lusot na, bes! ‘No Permit, No Exam’ bawal na; mga estudyanteng walang pambayad sa tuition, makakapag-exam na

Bawal na ang "No Exam, No Permit" policy ayon sa bagong batas.

Mapapawi na ang pangamba ng mga estudyante na hindi sila makaka-exam dahil bawal na ang “No Permit, No Exam” policy na madalas ipinatutupad ng mga pampubliko at pribadong mga paaralan.

Naisabatas na ang Republic Act No. 11984 o ang No Permit, No Exam Prohibition Act nitong Marso 11 na naglalayong alisin ang mga hadlang na makapag patuloy ng pag-aaral ang mga mahihirap na estudyante dahil sa mga unpaid na matrikula at iba pang bayarin sa eskwela.

“Students should not worry that they will not be able to take their exam or finish their education because of financial difficulties. Poverty should never cripple them and shatter their dreams,” ayon kay
Sen. Ramon Revilla Jr. na principal author ng nasabing batas.

Sa ilalim ng RA 11984, “all public and private educational institutions are mandated to accommodate and allow disadvantaged students with unpaid tuition and other school fees to take the periodic and final exams without requiring a permit,” ayon sa ulat ng Inquirer.net.

Sakop ng batas ang lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan mula kinder hanggang kolehiyo, maging ang technical-vocational institutions

Kailangan pa rin magbigay ng “promissory note” ang mga estudyanteng hindi pa bayad sa kanilang school fees at pinapayagan rin ang mga paaralan na huwag muna i-release ang mga records at credentials hanggang sa makapag-bayad ang mag-aaral, ayon sa batas.

Kung may “justifiable reasons” ang estudyante kaya hindi ito makakabayad sa tuition, kailangan din niyang kumuha ng certification mula sa Department of Social Welfare and Development o sa local office sa kanilang lugar.