Lupit ni lola! Lolang dumadamoves ala-Efren Bata Reyes hinangaan ng netizens

Napabilib ang mga TikTokerist sa galing ng isang lolang nag bi-billards.

Kuhang-kuha ng isang may edad na ginang ang bilib ng mga netizens matapos nila itong maispatan sa isang TikTok video na kumakamada sa bilyaran.

Kasi naman, si lola, mas daig pa ang mga bata sa pagpasok ng mga bola. Mahusay din si Lola sa trick shots na lalong nagpabilib sa mga nanonood sa kanya.

Ayon sa ilan, ang husay ni lola ay pwedeng itulad kay Efren “Bata” Reyes na hanggang ngayon ay sobrang husay pa din sa paglalaro ng bilyar. Kapansin-pansin na walang kahirap-hirap si lola sa bawat tira niya dahil kumportable at kabisado niya ang bawat anggulo ng pool table.

@ashlyzxo_o Nagbabalik si efren lola #billiards ♬ original sound – Kalyeah

“Mas magaling pa si Lola saakin ah”

“1v1 kayu nang lola ko yung lola”

“galing naman ni nanay”

“kinikilig na si Efren”