Lupet! Babae, flawless ang bitaw sa linya ni Gloc 9 sa ‘Bagsakan’ kasama si Chito Miranda

Nanggulat ang isang babae ng walang kahirap-hirap niyang ibinagsak ang mga linya ni Gloc 9 sa isang event kasama ang Parokya ni Edgar.

Hindi akalain ng mga guest sa isang event na kinatampukan ng Parokya ni Edgar na ang isang babaeng inimbita nila para makipag “Bagsakan” ay kasing galing pala mag-rap ni Gloc 9.

Ginulat ng babae hindi lamang ang mga guest ngunit maging si Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ng walang kahirap-hirap niyang binagsak ang mga linya ni Gloc 9 na nagpabilib sa lahat ng audience.

Bahagi ng mga gigs ng Parokya ang pag-iimbita ng mga audience members para makipag-jamming sa kantang “Bagsakan” na unang pinasikat nina Chito, Master Rapper Francis M at Gloc 9.

Bukod sa malulupit na linyahan, isa sa mga highlights ng kanta ang bilis ng pagbitaw ni Gloc 9 ng kanyang mga linya.

“Ang linis!!…solid”

“Ate Ang galing mo…”

“Kahit saan talaga mapunta si chito miranda,hindi pwedeng walang BAGSAKAN!!!”

“Ang lupit kumanta basta sabay c chito miranda…..galing talaga super…”