Laugh trip ang naging bunga ng kwento ng isang pasahero ng jeep na nagtangkang bumili ng lumpia sa kapwa pasahero sa pag-aakalang for sale ang laman ng bitbit nitong tray.
Ayon sa OP na si JM Carian, may sumakay sa sinasakyan niyang jeep na may bitbit na lagayan ng lumpia. Nagmagandang loob siyang magtanong dito kung ano ang laman ng lumpia dahil balak niyang tumulong at bumili.
Iyon pala, hindi naman pala ipinagbibili ang mga dala nito dahil sarili pala itong order ng aleng may dala para sa birthday handaan ng anak.
Sa sobrang kahihiyan ay hiniling na lang ni JM na lamunin siya ng lupa sa kanyang kinauupuan.