Kilala si Abby Marquez bilang “Lumpia Queen” sa content creation, pero sa mundo ng mga fur babies, may bagong contender: si Chicco, ang “Lumpia Master.”
Sa nakakatawang TikTok post ng user na @asongpasawaychicco, kuhang-kuha ang eksenang may subong lumpia si Chicco habang clueless naman ang kanyang fur mom kung saan galing ito.
At nang tangkain itong kunin, biglang iniwas ni Chicco ang kanyang bibig dahil ayaw niyang ipaagaw ang kanyang precious shanghai.
@asongpasawaychicco asong pasaway,may tagong shanghai 😂 #makeitviral #furbaby #asongpasaway #dogtrend #dogsoftiktok #chicco ♬ original sound – chiccobebe
Hindi naman nagpahuli ang mga netizen sa kakulitan ng kanilang mga hirit:
“ahahahhaha nag Sharon ka doggy ano”
“wala akong kinain mammeh ah”
“Lumpia is Life❤”
“pwede isama to sa handaan marunong mag sharon”