Napapadalas na ang paggamit ng Jollibee delivery app sa pagpapadala ng mga thoughtful notes ng mga mag-jowa pero ibang klase ang naging trip ng isang customer na lumagpas pa ata sa haba ng isa ruler ang haba ng mensahe.
Sa kanyang order na macaroni soup, Chicken Joy at Jolly Spaghetti, maging ang tuna pie solo, sinariwa ng customer ang kanyang mga paboritong alaala kasama ang kanyang minamahal gamit ang kanilang mga paboritong pagkain.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng girlfriend na magkalayo sila ng kanyang boyfriend pero kahit ganon pa man, gagawa pa rin siya ng paraan na maalagaan ito lalo at hindi maganda ang pakiramdam nito. Pati ang kanilang happy memories sa beach trip sa Calatagan ay nabanggit pa ng maalalahaning jowa.
Umani naman ang the moves na ito ng samu’t saring komento mula sa mga netizens:
“Sana all nlng ,padel ako sa self ko with note”
“parang magkakasakit ako love”
“nakiprint pa sa jabee si ate girl”