Lumayas ka! Netizens, abangers sa bagong viral linyahan mula sa Ogie Diaz Acting Workshop

Mukhang may bagong linyahan naman na magva-viral mula sa Ogie Diaz Acting Workshop
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagbalik na naman ang Ogie Diaz Acting Workshop ni Mama Ogs kung saan hinuhubog sa pag-arte ang mga nangangarap maging sikat na artista.

Matatandaang nag-viral ang acting workshop na ito ng talent manager dahil sa mga eksenang may linyahang “Hayup ka! May araw ka rin! Mabubulok ka sa impiyerno!” na ginaya din ng ilang sikat na celebrity.

Ngayon naman may mga bago na namang nangahas na sumubok sa workshop. At siyempre aliw na naman ang mga netizen maging sa paraan ni Mama Ogs sa pagpapalabas ng emosyon sa mga bagets.

“Ka gigising kulang palayasin m ako ang ingay ingay”

“Gustong gusto ko tlg ung ganitong session ng acting”

“Di ko kaya”

“Natatawa ako sa salamin”

Pero bukod sa aliw, talagang pumapasok ang mga artista aspirants sa workshop upang matutong umakting kay Mama Ogs na bukod sa kanyang experience sa entertainment reporting at talent management ay may karanasan din sa pag-arte.