Matapos niya makaharap at makilala ang Nation’s Girl Group na BINI, nagkaroon naman ng pagkakataon ang tatlong taong gulang na anak ng TV host na si Jhong Hilario na si Sarina na makasama ang bagong global girl group na KATSEYE.
Sa Instagram post ni Sarina, makikita siyang bitbit ni Jhong sa backstage ng “It’s Showtime” papunta sa dressing room ng KATSEYE.
At sa sandaling nakita siya ng mga miyembro ng grupo, agad-agad siyang nilapitan nito at isa-isang yumakap kay Sarina.
“I MET KATSEYE!!! #eyekon,” caption ni Sarina.
Hindi pa dito nagtapos ang panalong fan meet ni Sarina dahil muli siyang nakalapit kina Sophia, Daniela, Lara, Megan, Manon, at Yoonchae kasunod ng performance ng KATSEYE sa “It’s Showtime” para sa isang groufie.
At sa huling bahagi ng video, makikitang binitbit pa ng Pilipinong miyembro at leader ng KATSEYE na si Sophia si Sarina para sa isa pang photo opp. Nasa Pinas ang KATSEYE para sa kanilang Asian tour.
Napa “sana all” naman ang mga netizens sa naging di malilimutang experience para kay Sarina.
“Wowwwwwwww! How luckkyyyyy that Baby girl is!”
“oh my geee..ang cute talaga ng baby namin namaaaaaannnn… kinikilig nnmn ako.ahihi.. Sarina My Happy Pill”
“sana oll”
“Ikaw na talaga baby Sari”
“BEBE SARI IS THE LUCKIEST BB GIRL IN THE WORLD”