Low key kilig! Ivana, may jowa na pero secret muna kung sino

Ayaw ni Ivana Alawin sabihin kung sino ang kanyang non-showbiz boyfriend sa ngayon pero happy daw ang kanyang puso.

May nagpapatibok na ng puso ng crush ng bayan na si Ivana Alawi pero pinipili muna nitong maging quiet tungkol sa kanyang jowa in the meantime.

Sa isang panayam sa TV Patrol, sinabi ng star ng “Batang Quiapo” na masaya siya ngayon sa estado ng kanyang relasyon, pero ayaw muna niyang magasalita ng sobra dahil bago pa lang naman sila. Ayaw din niyang masawsawan ng mga showbiz issues ang kanyang personal na buhay.

Idinetalye niya din ang mga katangiang nagustuhan niya sa kanyang boyfriend tulad ng pagiging humble nito.

“Alam mo ang nagustuhan ko? Wala siyang kayabang-yabang. Saka, kasi ang number one na nakaka-turnoff sa akin ‘yung mayabang. Ayaw ko ng ganu’n. And super blessed and happy. Feeling ko, malapit na, pwede nang mag-asawa. Char,” biro niya.

Sinabi din ni Ivana na pasado sa kanyang buong pamilya ang kanyang secret non-showbiz boyfriend kaya’t good vibes lang talaga silang lahat.