Love Wins! True Faith vocalist Medwin Marfil, inulan ng pagbati sa kasal kay Mark Angeles

Inulan ng pagbati at kasiyahan ang sorpresang anunsiyo ni True Faith vocalist Medwin Marfil na ikinasal na siya sa kanyang partner na si Mark Angeles.

Ginulat ni True Faith vocalist Medwin Marfil nang kanyang ianunsiyo na nagpakasal na sila ng kanyang partner na si Mark Angeles sa isang seremonya sa California.

Ibinahagi ni Medwin ang kanilang simpleng larawan sa social media kung saan nilagyan lang niya ito ng mga detalye ng oras at lugar ng kanilang kasal. Sa kanilang litrato, nakasuot ng matching white long-sleeved shirt at khaki pants ang mag-asawa.

Ikinatuwa naman ng mga fans ng True Faith ang balita, lalo na at kitang-kita ang kagalakan ng kanilang idolo sa okasyon. Kahit na hindi masyadong open si Medwin sa kanyang pribadong buhay ay nagpahatid ang fans ng pagbati sa kanya.

Matatandaang sumikat ang True Faith noong dekada 90 dahil sa mga hit songs nilang “Huwag Na Lang Kaya,” “Dahil Ikaw,” and “Kung Ok Lang Sa Yo.”