Love wins! KaladKaren, nakatanggap ng proposal, not once but twice mula sa kanyang AFAM na jowa

Sinorpresa ng kanyang AFAM na partner si KaladKaren ng bigla itong mag-second proposal sa kanya sa gitna ng kanilang prenup shoot sa London.

Napa sana all na lang ang mga fans ng TV host at social media personality na si KaladKaren matapos nitong i-flex ang second proposal ng kanyang jowang foreigner sa London.

Sa kanyang Instagram post, inamin ni KaladKaren na simple lang ang naging unang proposal ni Luke sa kanya dahil naganap ito noong pandemic kung kailan lahat ng tao ay naka lockdown sa kanilang mga bahay.

Ngunit sinorpresa siya ng kanyang jowa nang ang akala niyang bahagi ng kanilang prenup shoot sa London ay isa palang surprise proposal. Mas lalo pa daw naging special ang proposal dahil alam ni Luke kung gaano niya ka-favorite ang lugar na iyon.

Maraming mga kaibigan at fans ang pumuso sa post ni KaladKaren, na sa simula pa lang ay naging bukas na sa kanyang love story bilang isang miyembro ng LGBT+ community. Ang kanyang istorya ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa marami at bumubuhay sa paniniwalang lahat ay pantay-pantay sa pag-ibig.