‘Love the Philippines’ taxi, umaarangkada sa Britanya!

Umiikot sa London ngayon ang mga makukulay na “Love the Philippines” na mga taxi bilang parte ng tourism campaign ng Department of Tourism.

Agaw-pansin ang mga taxi na umiikot sa London na bahagi ng tourism campaign ng Department of Tourism (DOT) para hikayatin ang mga turista lalo na ang mga Briton.

Ang “Love the Philippines” na mga taxi na may mga larawan ng mga tanawin sa bansa at mga festivals ay umiikot sa London mula nitong Enero hanggang Hunyo.

Ayon sa Facebook page ng DOT, madalas gumamit ng taxi ang mga taga-London kaya isa itong magandang paraan para mapansin ang “eye-catching visuals” ng “Love the Philippines” campaign.

May mga netizens naman na nagandahan sa konsepto ng paghikayat sa mga turista na bumisita sa Pilipinas.

“I 💕 the Philippines too!”

“BEAUTIFUL! LOVE IT!❤️🇵🇭”

“Include Paris!”

Matatandaang ginamit din noon ng DOT ang mga double-decker na bus, taxi, at pati underground stations sa kanilang tourism campaign na “It’s More Fun in the Philippines.”