‘Love Next Door’ star Jung Hae In, nagpakita ng kabaitan sa mga seniors

Puring-puri ng mga fans si Jung Hae In na piniling mag-volunteer para sa Seniors’ Day sa South Korea.

Lalo na namang na-in love ang mga fans ng “Love Next Door” star na si Jung Hae In sa Korean oppa dahil sa kabaitan nito sa totoong buhay. Paano ba naman, matapos ang kanyang busy shooting schedule ay nagawa pa nitong tumulong sa isang event para sa mga senior citizens sa South Korea.

Matapos ang airing ng finale episode ng “Love Next Door” at ang matagumpay na opening ng kanyang movie na “Veteran 2” na parehong umani ng pinakamataas na rating sa finale episode at pinakamataas na box office sa taong ito, deretso naman si Jung Hae In sa isang charity event.

Tumulong ito buong araw sa isang food distribution and leisure culture volunteer activity sa Yongsan Senior Welfare Center para sa Senior Citizens Day.

Pinarangalan din siya ng mga organizers para sa kanyang volunteer efforts para sa event na ito.

Darating si Jung Hae In sa Pilipinas sa Disyembre para sa isang fan event matapos ang kanyang mga proyekto sa taong ito.