Bukod sa pagiging fashion icon at pagrarampa ng mga mamahaling designer bags, damit at accessories, isang malaking check si Heart Evangelista sa kanyang mga fans dahil sa kanyang advocacy ng pag-aadopt ng mga aspin at puspin.
Para sa animal lover na si Heart, kebs kung walang breed ang kanyang mga inaalagaan at pantay-pantay ang pagmamahal na ibinibigay niya sa kanyang mga fur babies.
Sa katunayan, ginagawa pa ngang model ni Heart ang kanyang mga alaga para sa kanyang mga LV at Hermes scarves at jewelry, patunay kung gaano niya ito pinapahalagahan.
Sa isang post ng fan, ipinakita kung gaano kasaya ang Kapuso star habang nakikipaglaro sa kanyang alagang puspin.
Para naman sa kanyang mga fans, ang pagmamahal ni Heart sa mga hayop na nangangailangan ay isa sa mga dahilan kung bakit siya inuulan ng blessings.
“May gold heart c heart s mga stray dog and cats kaya sobra dme din Nia Blessings”
“eto yung halimbawa na kahit may kaya ka sa buhay hindi importante ang breed ng aalagaan at i aadopt”
“bilb tlga ako ky heart .siya yung tunay na pets lovers Hindi siya na mimili”
“True .. ung iba po mhal lng nila KC may lahi”