‘Love cup just got a refill’: Anne Curtis, miss na agad ang 2-day vacay kasama si Erwan at Dahlia

Mukhang nabitin pa si Anne Curtis sa dalawang araw na bakasyon kasama ang asawa at anak.

Kahit na abala sa kanilang kaliwa’t kanang commitments ng mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis, nakahanap pa rin sila ng pagkakataon na mag-family bonding kasama ang kanilang unica hija na si Dahlia.

Sa kanyang Instagram post, hindi maitago ni Anne ang kanyang saya habang nag-rerecharge sa “Vitamin Sea” kasama ang asawa at anak.

“My love cup just got a refill,” ani ng “It’s Showtime” host. Dagdag pa niya, na-miss na niya kaagad ang bondingan nilang magpapamilya sa oras na matapos ito.

Kilig naman ang mga fans ni Anne sa masaya nilang family bonding.

“I admire how Anne balances everything in her life 😍 I love her charisma and softness ❤️”

“This made me so happy for you! ❤️❤️❤️”

“Hardworking momma!!! Stay healthy and take care always ❤️”