Nag-viral sa TikTok ang isang batang pasahero ng Philippine Airlines (PAL) matapos margining ang kanyang taos-puso at nakakatawang pakiusap sa Diyos bago lumipad ang kanilang eroplano sa Zamboanga International Airport.
Sa video na in-upload ni netizen Qarah, makikitang napuno ng usok mula sa air-conditioning ang cabin habang naghahanda ang flight sa pag take-off.
Sa gitna ng tila normal na eksena para sa mga pasahero at crew, biglang narinig ang boses ng isang bata: “Lord, saglit lang!”
Hindi nagpahuli si Qarah sa pag-post ng video na may caption na: “Pov: ung gusto mo lang umuwi pero parang iba na napuntahan mo.”
@qarah08 Lord saglit lang naman🤣 #lordsaglitlang #fyp #philippineairlines
Sumakay naman ang mga netizens sa hirit ng bata:
“Si Lord naman kasi eh Di pa ready yung tao eh.”
“Wait lang naman kasi lord HAHAHAHA”
“hahaha ang cute lord saglit lang!!”
“Lord saglit Ing di pa kmi handa”
Maging ang PAL mismo ay napa-react sa viral moment. “It was a pleasure having you on board! Thank you for flying with us, and we can’t wait to welcome you again soon,” ayon sa kanilang comment.