Lola, patok sa internet dahil sa kanyang ‘Geng Geng’ choice of music sa kanyang ‘My Day’ sa Facebook

Maraming netizens ang natuwa sa isang lola na nag-upload ng kanyang Facebook story gamit ang modern music ng Gen Z.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ibinida ng isang batang TikToker ang modern Facebook My Day ng kanyang lola na kinaaliwan ng madaming netizens online dahil bukod ginamitan niya ang video ng patok na background music na usong-uso sa mga kabataan ngayon.

Ayon kay TikToker Ave Maliah, hindi ang mga kinagisnang kanta ng mga Silent Generation (mga pinanganak ng 1928-1945) na “Thank You Lord” ang ginamit ng kanyang lola na si Anita Borlasa, kundi ang kanta ni Nik Makino na “Sipag Lang,” na karaniwang ginagamit ng mga millenials at nakakabata na generation.

“Pasabog myday nang lola ko hindi “Thank You Lord” ang background music,” ani Maliah sa video.

Ang 94 anyos na lola, na active rin sa simbahan bilang church server ay go na go sa kahit sa “Geng Geng” na music.

“BTW, 94 na si lola pero napagsasabay niya ang faith niya kay Lord pati pagiging geng geng niya!” ang wika ng uploader. “Geng Geng” ang ipinaikling termino para sa salitang gangster.

@maliahscarlett18 #maliahscarlett ♬ original sound – Ave Maliah 🧬

Maraming netizens naman ang naka-relate sa vibe ni Lola Borlasa:

“Si mama nga nag myday with batchmates reunion and ang music is Diet Pepsi by Addison Rae”

“[Sa] Akin [naman ang] music niya Backburner [ni Niki]”

“Yung lola ko nga ang myday niya yung batch niyang namatay, tapos “apt” yung background music”