Pagdating sa mga witty at nakakatawang mga hirit, hindi talaga magpapahuli ang mga Pinoy. Pinakahuli na dito ang pang gu-good time ng mga netizen sa bandang Lola Amour.
Sa mga hindi pa nakakaalam, isa sa pinakasikat na kanta ng Lola Amour ang “Raining in Manila,” na may lyrics na “it’s been raining in Manila, hindi ka ba nilalamig?”
Kaya sa panahon ngayon na nanlalagkit at nanlilimahid sa init ng panahon ang mga Pinoy, pabirong naka-tag sa mga posts ng mga netizens ang Lola Amour na tila kinokonek ang banda sa init sa Pilipinas.
“Ano na beh Lola Amour ang init.”
“Yung Raining in Manila naging Burning in Manila”
“It’s been Heating in Visayas! Lola Amour”
“Burning in GenSan naman please, Lola Amour. ang init na oh.”
“ano na Lola Amour… it’s been scorching in Negros hindi ka ba nauuhaw?”
“Lola Amour ano ba? it’s tag init in manila ba bago mong kanta?”
Hindi naman pinalampas ng banda ang mga hirit ng netizens at game na nakipagbardagulan:
“Bakit parang kasalanan ko??,” pabirong tanong ng banda.
“Grabe kayo hahaha,” dagdag pa ng Lola Amour.
Sa mga nakalipas na araw, mahigit 40 degrees Celsius na heat indexes ang naitala sa iba’t ibang parte ng Pilipinas dala na din ng epekto ng El Niño phenomenon.