LOL! Pa-edit pic ni Kim Molina para sa Halloween, pinagtripan ng fans

Laughtrip talaga ang dulot ng mga paandar nina Kim Molina at Jerald Napoles.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tawang-tawa ang mga netizen na pinagtripan ang pinapa-edit na larawan ng magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles para sa Halloween.

Sa pinost na pa-edit ni Kim, nakasuot siya ng get-up mala Wednesday Addams habang si Je naman ay naka full green suit na litaw lamang ang mukha at kamay para gumanap na Thing.

Matatandaang ang karakter ay isang kamay lamang na palaging nakapatong sa balikat ni Wednesday. Ang green suit at background ay karaniwang ginagamit ng mga photographer at videographer para madaling mabura ang background at mapalitan ito.

Mapapansin naman na tila sinadya ni Kim na mag-request sa mga fans ng pa-edit dahil uso nga ito sa Facebook. Pero karaniwan ding pinagpe-pyestahan ng kung ano anong kalokohan ang larawang pinapaayos ng mga nag post.

Hindi nga sya nagkamali. Samu’t saring mga obra ang naging resulta ng kanyang pakiusap. Mayroong nag-edit ng mukha ng ulo ni Je sa katawan ni Kim.

(CREDIT: Kim Molina/Facebook)

Mayroong naglagay ng hagdan sa kilikili ni Je para hindi ito mangalay.

 (CREDIT: Kim Molina/Facebook)

Mayroong naglipat sa mag-jowa sa langit na background at iniwan ang kamay at mukha ni Je na parang multo.

 (CREDIT: Kim Molina/Facebook)

Meron ding naglagay Kay Kim sa backdrop ng kalendaryo bilang Wednesday na petsa at hindi karakter.

 (CREDIT: Kim Molina/Facebook)

Tataba ng utak pagdating sa kalokohan!