Usap-usapan ngayon sa social media ang buwis-buhay human drone sa Cambugahay Falls na sikat na sikat ngayon dahil sa fairy walk ni Anne Curtis.
Sa video ni Edwin Yano, imbes kasi ang turista ang sumakay sa baging at lumundag sa falls, pwedeng sila ay hayahay lamang sa kapatagan habang ang tour guide na lang ang bahalang sumakay sa baging hawak ang cellphone para makunan sila.
Ang kakaibang estilo ng pag hu-human drone maging ang astig na galawan ni kuya ay nagpabilib sa mga netizens lalo nang makita nila ang end product ng buwis buhay shot ni kuya.
Saludo naman ang mga netizens at mayroong nagsabing dapat ay malaki ang tip ni kuya.
“Galing naman”
“Yes super ganda”
“Galing idol the best ka”
