Loboc Children’s Choir lumikha ng mahika kasama ang classical guitarist na si Florante Aguilar

Minsan lang kabahan sa pagtugtog ang classical guitarist na si Florante Aguilar pero napawi naman ito ng Loboc Children’s Choir.

Aminado si classical guitarist Florante Aguilar na hindi siya pamilyar sa pagtugtog ng steel string guitar or karaniwang tawag sa folk guitar. Ngunit nang mag request ang lider ng award-winning Loboc Children’s Choir na tumugtog siya gamit nito, hindi na siya nakatanggi.

Ayon kay Florante, mula nang magsimulang umawit ang mga bata gamit ang kanilang mala-anghel na tinig, napawi na din ang kanyang kaba at itinuloy na niya ang kanyang pagtugtog. Sa katunayan, sa mga pagkakataong parang kinakapa niya ang mga nota gamit ang gitara, siya pa ang sinasalo ng mga bata sa pamamagitan ng kanilang nakakahumaling na melodya.

“Being a classical guitarist, I honestly didn’t know what to play on a steel string. But when the leader of Loboc Children’s Choir asks you to play, you play,” aniya.

“So glad I did. When the choir started singing along, the result was magic,” aniya.

Umani din ng papuri ang naging biglaang collab ni Florante at ng Loboc Children’s Choir.

“Bravo! Bravo!”

“Angelic voices!”