Kung ang ibang tao ay pamilyar sa Law of Attraction, ang Hashtag member na si Nikko Natividad ay may bagong prinsipyo na mas epektib sa pag-abot ng pangarap. Ito ay ang “Loan of Attraction.”
Ani Nikko, ito ang ginawa niyang istratehiya para makamit ang kanyang pangarap na beach house na ipinapatayo niya sa ngayon. Aniya, dati usap-usapan lang ang pagpapatayo ng beach house sa Zambales ngunit nang matapos niyang mangarap at mag-manifest ay naisip niya kung ano ang magandang next step para dito.
“Sabi sa inyo totoo yung LOAN OF ATTRACTION. Naalala ko naliligo lang kami sa dagat ni @hashtag_zeuscollins @mykapaulinee at @_cielovesyou sa zambales. Tapos sabi namin (parang masarap magka beach house) ayun na LOAN OF ATTRACTION na namin kaya sana mabayaran na namin to 😅,” aniya.
“KONTI NALANG!!!! Konti nalang bebenta ko na atay ko atay ko,” biro ni Zeus
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens ang post ni Nikko:
“omgeee! nabago na pala from “Law of Attraction” to “Loan of Attraction” real quick…di mn lng kayo nag inform”
“Pwede pala yung Loan of attraction. Sana ako ma try ko din. btw congrats po 🥰🥰”