Little angel! Bata, nagpabilib sa tahimik ng pagtapos ng gawaing bahay para makatulog ang pagod na ina

Kinabiliban ng mga tao ang isang batang tahimik na tumapos sa gawaing bahay na nakatulugan ng kanyang pagod na ina.

Pinabilib ng isang mabait na bagets ang mga netizen na nakasaksi sa pagtulong niya sa kanyang pagod na mommy na nakatulugan na ang mga gawaing bahay.

Sa kuha ng CCTV na ibinahagi ng Happy Life, ipinakita kung paanong kinumutan ng isang batang babae ang kanyang ina na nakatulog sa sofa dahil sa pagod. Mula sa pagliligpit ng mga laruan sa sahig, pagtatabi ng mga plato, pagtanggal ng mga sinampay, at pagaalaga sa kanyang kapatid na sanggol, tahimik na ginawa ng bata ang lahat para mabigyan ng oras ang ina na makaidlip at makapagpahinga.

Habang pinuri ng marami ang kabaitan ng bata, marami din ang pumuri sa ina dahil sa pagpapalaki ng isang maalalahanin at responsableng anak. Ilan din ang nagbahagi ng mga ginagawa ng kanilang mga anak para makatulong sa gawaing bahay.

“This is parenting done right! Good job momma!”

“She must have such an amazing mommy to makes such an amazing little girl”

“That is awesome to see!”

“That’s my Jack he does this for Amy”

“What a little angel!”