Hindi lahat ng ukay finds ay ready isuot agad, lalo na kapag literal na “surname” ang naka-print sa likod.
Sa TikTok video na shinare ni Zuly (@zulymwua), ipinakita niya ang isang jersey shirt na kanyang naisapatan sa ukay-ukay, na imbes na pangalan ng player ang nakalagay sa likod, sakto kung saan karaniwang naka-print ang apelyido ng may-ari o sumusuot nito.
Mas lalo pang kinaaliwan ang video nang magbiro ang uploader sa caption: “Sasabihin po ba sa cashier ang apelyido para mapaltan?”
@zulymwua sino po si surname?
Agad itong umani ng libo-libong tawa mula sa netizens na humirit rin ng kani-kanilang mga haka-haka tungkol sa solusyon:
“Ilapit niyo po sa cashier. Connectable po yan sa computer, pwede po siya I-edit sa word.”
“pagdating niyo po sa cashier may ibibigay sainyong correction tape.”
“kaya ‘yan i-edit sa canva”